Nakaalerto ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng pagdiriwang ng ika-48 anibersaryo ng New People’ s Army (NPA) ngayong araw na ito.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año, nananatili pa rin at hindi pa binabawi ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusang tugisin ang naturang rebeldeng grupo.
Matatandaang nagsagawa ng lighting rally ang mga nagpakilalang miyembro ng NPA sa Quezon City bilang bahagi ng kanilang anibersaryo na nagdulot naman ng matinding pagbigat sa trapiko sa lugar.
Samantala, hinikayat naman ni Año ang liderato ng National Democratic Front na kontrolin ang kanilang armadong tauhan bilang patunay na sinsero sila sa usapang pangkapayapaan sa gobyerno.
Nakatakdang gumulong ang ika apat na pag-uusap ng gobyerno at NDF sa Abril sa The Netherlands.
By Rianne Briones