Kumbinsido ang militar na wala nang natitirang miyembro ng Maute – ISIS group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Public Affairs Office Chief, Colonel Edgard Arevalo, wala na silang nakikita at nakakasagupang terorista sa lungsod nitong mga nakalipas na araw.
Gayunman, hindi pa rin aniya inaalis ng militar ang posibilidad na may nagtatago pa ring terorista sa lungsod.
Dagdag ni Arevalo, dalawa na lamang ang posibleng mangyari sa mga ito, ang sumuko at mabuhay o lumaban at mamatay.