Nasawi ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang engkwentro nito sa pagitan ng militar sa bayan ng Rizal sa Occidental Mindoro.
Ayon kay Southern Luzon Command Chief at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Spokesman Lt. General Antonio Parlade Jr., nangyari ang engkwentro sa Sitio Surong sa barangay Aguas dakong alas 6:00 kaninang umaga.
Mababatid na nakasagupa ng 203rd brigade ng Philippine Army ang tinatayang 20 rebelde kung saan tumagal ito ng may 30 minuto.
Wala namang nasawi sa panig ng mga sundalo, habang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasawing rebelde.
Kasunod nito, narekober ng mga awtoridad ang aabot sa 8 high powered firearms sa pinangyarihan ng bakbakan habang nagpapatuloy ang mopping up operation. — Ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)