Hinahalughog na ng militar ang mga lugar kung saan posibleng itinapon ng Abu Sayyaf ang katawan ng Canadian hostage na si Robert Hall.
Ayon kay Maj. Filemon Tan Junior, spokesman ng Western Mindanao Command, may dalawang lugar na silang tinututukan kung saan maaaring dinala ang bangkay ng dayuhan.
Itinanggi naman ni Tan na tukuyin ang mga lugar dahil sa operational considerations subalit malapit lamang ang mga ito sa Jolo Proper sa Sulu.
Magugunitang pinugutan ng ASG ang nasabing bihag noong Lunes ng hapon matapos mabigo ang pamilya nito at Canadian Government na magbigay ng ransom.
By:Drew Nacino