Tinapik na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar para tumulong sa distribusyon ng ayuda sa mga apektado ng lockdown bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Pangulong Duterte, nadala na siya sa mga natanggap na reklamo sa mga lokal na opisyal na umano’y nagbubulsa ng tulong pinansyal na para sana sa mga nangangailangan ngayong may krisis dahil sa COVID-19.
Dahil dito inatasan na ng pangulo ang dating heneral at DSWD Secretary Rolando Bautista para hingiin ang tulong ng mga dati nitong kasamahan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamahagi ng ayuda.
Partikular din sinabi ng pangulo na nais niyang manguna sa pamamahagi ng ayuda ang mga babaeng sundalo.