Positibo ang militar na nasa Patikul, Sulu pa ang hina-hunting nilang suspects sa pagpapasabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.
Ayon kay Col. Gerry Besana, Spokesman ng Western Mindanao Command (Wesmincom), hindi magsasagawa ng airstrike ang militar kung hindi sila sigurado sa kanilang pinatatamaan.
Tinukoy ni Besana ang isang Commander Kamah ng Ajang-Ajang Group na konektado ng Abu Sayyaf.
Tuloy-tuloy rin aniya ang operasyon nila laban kay Hatib Bajan Sawadjaan na siyang lider ngayon ng Abu Sayyaf at responsable sa maraming kidnapping at pamumugot sa kanilang mga biktima.
—-