Sapat ang puwersa ng Western Mindanao Command para tugisin ang Abu Sayyaf at maging ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Tiniyak ito ni Wesmincom Spokesman Lt. Col. Gerry Besana matapos ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpulbos na sa mga teroristang grupo.
Gayunman, sinabi ni Besana na asahan na ang pagkakaruon ng aniya’y shifting of forces lalo na’t naglabas na ng direktiba ang Pangulo.
Ayon kay Besana, normal routine na lamang sa militar ang shifting of forces lalo na kung may panibagong tututukang operasyon.
Dalawang Philippine Army Brigade aniya ang naka-puwesto na sa lalawigan ng Sulu kung saan tinututukan ang pagtugis sa mahigit isandaang (100) puwersa ng Abu Sayyaf sa pangunguna ni Hatib Sawadjaan.
Samantala sa probinsya naman ng Basilan, naka deploy na ang isang Army brigade.
—-