Tiniyak ng militar na walang ibinayad na ransom para sa makalaya sa Abu Sayyaf ang British national at asawa nitong Pinay.
Ayon kay Lt. General Cirilito Sobejana, hepe ng Western Mindanao Command, mahigpit nilang sinusunod ang no ransom policy ng pamahalaan.
Ang pagkakaligtas anya sa mag asawang Allan at Wilma Hyrons ay resulta ng walang puknat na operasyon nila laban sa Abu Sayyaf .