Mas tumindi ang isinasagawang militarisasyon ng China sa South China Sea.
Kasunod ito ng unang beses na paglabag ng isang long range nuclear capable bomber air craft ng China sa isa sa mga artipisyal na isla nito sa nasabing teritoryo.
Batay sa ulat ng pahayagang people’s daily na pinatatakbo ng pamahalaan ng China, isang h-6k aircraft ang nagsagawa ng takeoff at landing training mula woody island.
Ayon naman sa Washington based think tank na AMTI o Asia Maritime Transparency Initiative, tinatayang may combat radius na 1000 nautical miles ang pinalipad na bomber aircraft ng China kung saan posibleng masakop nito ang buong South China Sea.
Dagdag pa ng AMTI, pasok din sa radius ng nasabing aircraft bomber ang Manila at lahat ng limang military base ng Pilipinas na kilalang lugar din sa ilalim ng US Philippine Enhanced Defense Cooperation Agreement.
Kaya rin anilang abutin nito ang Singapore at Indonesia maging ang hilagang Australia at defense facility ng US sa Guam.