Tinarget ng rockets ang isang military base sa Iraq kung saan naroon ang mga sundalong Amerikano.
Ang mga nasabing rockets ay tumama sa Iraqi base sa Kirkuk.
Nabatid na simula Oktubre ay umaabot na sa halos 20 rocket attacks ang inilunsad laban sa mga tropa ng Amerika sa Iraq kabilang ang sa palibot ng embahada ng Amerika.
Ayon sa Iraqi Security Officials ang Katyusha rocket ay tumama sa K1 base kung saan nakatalaga ang US troops at Iraqi federal police forces.
Sinabi ng Iraqi military na wala namang nasaktan sa pag-atake.