Namemeligrong mapatawan ng dishonorable separation from the service si Lt. Col. Ferdinand Marcelino, oras na mapatunayang may kinalaman ito sa operasyon ng iligal na droga.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, mabigat ang posibleng mangyari sa military career ni Marcelino lalo’t napakaseryoso ng kinasasangkutan nitong kontrobersya.
Sinabi ni Padilla na bukod sa pagkakatiwalag sa military organization, ipagkakait din dito ang kanyang mga benepisyo bilang opisyal ng Philippine Marines.
Si Marcelino ay nahaharap sa mabibigat na asunto na may kaugnayan sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal