Inatake ng armadong grupo ang isang military detachment malapit sa Marawi City kaninang umaga.
Batay sa ulat, ang kampo ng 55th Infantry Battalion na pinapatakbu ng mga CAFGU o Citizens Armed Forces Geographical Unit ay inatake ng mga pinaniniwalaang supporters ng Maute-ISIS terror group sa Lanao del Sur.
Wala namang napaulat na nasugatan sa nasabing pag-atake.
Dahil sa insidente, mas hinigpitan pa ang seguridad sa Marawi City at nagsasagawa na ng pursuit operations ang mga otoridad laban sa umatakeng grupo sa nabanggit na kampo ng militar.