Umarangkada na ang military drills sa pagitan ng mga bansang Amerika, Japan at India sa karagatang malapit sa Korean Peninsula.
Ito’y bilang pagpapakita ng puwersa sa harap na rin ng lumalalang tensyon doon kasunod ng banta ng NoKor hinggil sa pagsasagawa nito ng nuclear missile tests.
Batay sa pahayag ng Imperial Japanese Navy, tiyak na makatutulong ang nasabing pagsasanay para kanilang hukbo partikular na ang pagpapalakas sa kanilang kakayahan.
Ginawa ang nasabing pagsasanay kasunod ng nakatakdang pagbisita ni US President Donald Trump sa South Korea mula sa Japan bilang bahagi ng kaniyang Asian trip.