Inaasahang lalo pang iigting ang tensyon hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito’y dahil sa dinagdagan pa ng China ang pagsasagawa ng kanilang military exercise sa pinag-aagawang teritoryo.
Kabilang sa mga magpapakitang gilas ay ang bagong missile guided destroyer ng China at iba pang Navy vessels nito.
Ngunit paglilinaw ng China, military routine ang kanilang gagawin partikular na ang anti-submarine at anti-missile drills sa nasabing karagatan.
By Jaymark Dagala