Isinalang sa imbestigasyon ang lahat ng kontrata sa pagbili ng supplies at mga kagamitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Partikular na tinukoy ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagbili ng nakaraang administrasyon sa multi-milyong pisong military drones.
Ayon kay Lorenzana, lahat ng naabutan nilang kontrata sa AFP ay isinailalim sa imbestigasyon upang matiyak na walang bahid ng katiwalian ang mga ito.
Una rito, ibinunyag ng isang whistleblower na minadali ang pag-apruba sa Marine Forces Imagery and Targetting Support System Acquisition Project na nagkakahalaga ng 688 milyong piso.
By Len Aguirre