Pinalayas sa isang forum hinggil sa red tagging ng pamahalaan ang isang opisyal ng militar makaraang magtangka itong mag gatecrash sa forum.
Sa kasagsagan ng forum na inorganisa ng National Union of Peoples Lawyers (NUPL) at Movement Against Tyranny hinggil sa weaponizing the law, criminalizing dissent —biglang pumagitna si Major General Antonio Parlade ay nagwagayway ng mga dokumento bilang pagkontra sa speaker na nagsasalita tungkol sa red tagging na ginagawa ng pamahalaan.
Tinawag ng NUPL ang ginawa ni Parlade na tangkang pangha-harass sa mga kumokontra sa pananaw ng administrasyon.
Dahil dito, pinalabas ng lugar si Parlade habang pasigaw syang kinakantiyawan ng mga naroon sa forum.