Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagpapatuloy ang kanilang ‘focused military operations’ laban sa New People’s Army (NPA).
Ito’y kasunod na rin ng napaulat na nagsimula nang magpakalat ang NPA ng ‘permit to campaign’ at ‘permit to win’ para sa mga pulitiko.
Katunayan, ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, may insidenteng naka-engkwentro ng tropa ng militar ang mga rebelde kung saan matapos ang bakbakan ay nakadiskubre ito ng mga election materials.
Para sa militar, isang uri ng pangongotong ang ginagawang ito ng NPA dahil isa-isa nitong nilalapitan ang mga pulitiko.
Ipinauubaya naman ng AFP sa COMELEC kung ano ang pananagutan ng mga kandidatong pumapatol sa gawaing ito ng mga rebelde.
By Jelbert Perdez | Jonathan Andal