Sinampahan na ng mga kasong kriminal ang ilang miyembro ng isang militia na umano’y pumaslang sa lider ng isang award-winning tribal school at 2 lumad leader sa Lianga, Surigao del sur.
Maliban sa mga kasong murder, kinasuhan din ng robbery, grave threat at coercion sina Marcos Bocales, Marcial Belandrez, Kalpet Egua at dalawampung hindi kilalang mga suspek.
Ayon sa grupong Karapatan, ang mga kasong isinampa sa prosecutor’s office sa Lianga ay base sa pahayag ng ilang testigo sa pagpatay kina Emerito Samarca, Dionel Campos, at Datu Juvillo “bello” Sinzo.
Pinaratangan naman ni Surigao del Sur Gov. Johnny Pimentel ang militar na siyang nag-organisa at nag-armas sa naturang militia.
By: Jelbert Perdez