Pansamantalang sinuspinde ng Department of Education o DepEd-Central Visayas ang milk feeding program
Ang hakbang ay ginawa ni DepEd-7 director Dr. Salustiano Jimenez matapos umanong malason ng nainom nilang gatas ang mahigit 100 estudyante noong nakaraang buwan.
Nilinaw naman ni Jimenez na temporary suspension lamang ito dahil hinihintay pa lamang ang resulta ng laboratory test sa sample ng hinihinalang kontaminadong gatas sa bayan ng Sta. Catalina.
Magpapatuloy naman ang feeding program sa hilagang bahagi ng probinsya dahil ibang supplier ang namamahagi nito sa mga pampublikong paaralan sa nasabing lugar.