Hinikayat ng NCRPO o National Capital Region Police Office ang mga kabataang Millenial na gamitin ang Social Media para tulungan silang disiplinahin ang mga abusado at bigyang parangal naman ang mga mabubuti’t tapat na mga pulis
Ayon kay NCRPO Chief Police M/Gen. Guillermo Eleazar, malaki ang maitutulong ng Social Media makilala pang lalo ng puliko ang mga pulis sa kanilang komunidad
Inihalimbawa ni Eleazar ang pulis na nambully ng isang Call Center Agent sa San Juan gayundin sa isang pulis naman na nanutok ng baril sa isang motorista sa Quezon City
Kapwa nasibak na ang mga nasabing pulis na ngayo’y nahaharap nta sa patumpatong na kasong Administritibo
Gayundin naman, ang ginawang paghabol sa snatcher ng isang pulis Maynila at ang pulis na nagligtas sa buhay ng isang magpapatiwakal sa Parañaque City
Kapwa binigyang parangal ang mga nabanggit na pulis na nakatanggap ng bagong lunsad na pulis magiting program ng NCRPO