Bumawi ang defending NBA champions Milwaukee Bucks mula sa kanilang buena manong pagkatalo sa Miami heat.
Sa pagkakataong ito ay rumesbak ang Bucks matapos tibagin ang San Antonio Spurs sa score na 121 – 111, sa kanilang paghaharap, kahapon.
Nagpakawala ng 21 points si Giannis Antetokounmpo habang nag-ambag ng 28 points si Khris Middleton upang kubrahin ang ikalawang panalo ng bucks sa 2021 – 2022 NBA season.
Samantala, sinungkit naman ng Cleveland Cavaliers ang kanilang buena manong panalo sa score na 101-95 kontra Atlanta Hawks.
Sumalaksak si Ricky Rubio ng 23 points para sa unang panalo ng Cavs habang kumamada si Trae Young ng 24 points subalit nabigong makahabol ang atlanta.—sa panulat ni Drew Nacino