Pasok na sa NBA Finals ang Milwaukee Bucks.
Ito’y makaraang masungkit ng Bucks ang 118-107 victory laban sa Atlanta Hawks sa Eastern Conference finals.
Sina Khris Middleton at Jrue Holiday ang nanguna sa Milwaukee sa pamamagitan ng kanilang pinagsamang 59 na puntos.
Ito ang unang pagkakataon na nakapasok sa NBA Finals ang Bucks mula noong 1974.
Makakaharap ng Milwaukee sa finals ang Phoenix Suns.