Ipa-re-rehistro ng Department of Social Welfare and Development sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang milyong indigenous people sa bansa.
Ayon kay DSWD undersecretary Edu Punay, isang malaking hamon para sa mga katutubo ang kawalan ng sariling identification o birth certificate.
Hindi rin anya sila nakakukuha ng mga benepisyo at serbisyo mula sa gobyerno dahil wala silang hawak na dokumento tulad ng birth certificate.
Gayunman, inaasahan ng kagawaran na madaragdagan ang populasyon ng milyong katutubo sakaling mairehistro sa PSA.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla