Nagsimula na ang paggunita sa Pista ng Itim na Nazareno matapos ang ilang taong restriksiyon sa bansa bunsod ng Covid-19 pandemic.
Inaasahang aabot sa 5M deboto ang makikiisa sa kabila ng pagpapalit sa tradisyunal na “Traslacion” at “Pahalik” na ngayon ay ginawa nang “Pagpupugay” o ang pagpupunas sa imahe gamit ang mga panyo o towel dahil narin sa pagtaas ng naitatalang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ayon sa Manila Police District (MPD), posible pang dumami ang bilang ng mga deboto kung saan, mas naging mabilis ang proseso ng prusisyon dahil hindi na isinama ang imahe ng poong Itim na Nazareno.
Naglagay rin ang mga otoridad ng priority lanes para sa mga Persons With Disability (PWDs), senior citizens, at mga buntis na una nang hinikayat na huwag nalang munang dumalo sa aktibidad upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.