Nakatakdang bumili ang pamahalaan ng mga bakuna na nagkakahalaga ng pito’t kalahating bilyong piso (P7.5-B) ngayong taon.
Sa harap ito ng babala ng mga senador na tiyaking ligtas ang mga bibilhing bakuna upang maiwasan na ang kontrobersiyang nilikha ng anti – dengue vaccine na dengvaxia.
Target nito na bakunahan ang 2.7 milyong mga sanggol kontra Japanese Encephalitis.
Kung saan, nasa 1.4 na milyon dito ang bibigyan ng bakuna kontra sa sakit na Pneumonia.
Mahigit sa dalawang (2) milyong mag – aaral sa grade 1 at 1.7 milyon sa grade 7 ang siyang makikinabang sa anti – tetanus – diphtheria vaccines gayundin sa bakuna kontra tigdas.