Namemeligrong mamatay sa gutom ang milyun-milyong mamamayan sa Yemen.
Ayon sa UN World Food Programme, lalong lumalala ang food crisis sa bansa kasunod ng pagsiklab ng civil war.
Sinabi ng UN na umaabot na 3 milyon katao ang nabibigyan nila ng pagkain simula noong Pebrero 2016 pero hindi pa rin ito makasapat.
Kumokonti umano ang mga rasyon dahil pumapalo na 6 na milyon ang mga Yemenis na nangangailangan nito kada buwan.
Dahil nangangailangan ang UN ng food assistance at preventive treatment para sa mga mamamayan ng Yemen, patuloy itong umaapela ng tulong sa international community.
By Jelbert Perdez