Handa na ang 1.8 bilyong Muslim sa iba’t ibang panig ng mundo para sa buwan ng Ramadan na magsisimula sa Biyernes, Mayo 26.
Matinding seguridad na ang ipinatutupad ng Saudi Arabia sa banal na lungsod ng Meccah at Medina para sa pagdagsa ng milyun-milyong pilgrims.
Tinututukan na rin ng Saudi government ang iba’t ibang paliparan maging ang mga border ng kaharian para sa pagtawid ng mga pilgrim mula Iraq, Jordan, Kuwait, United Arab Emirates o UAE, Oman at Yemen.
Ang Ramadan ang ika-9 na buwan ng Islamic calendar na magtatapos naman sa Hunyo 24 kasabay naman ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Tradisyon na sa mga Muslim na mag-ayuno at umiwas muna sa pagkain, paginom, paninigarilyo at pakikipagtalik bago mag-bukang liwayway hanggang takipsilim.
Samantala, nilinaw ng Malakanyang na wala silang inilalabas na anumang proklamasyon na special non-working day ang pagsisimula ng Ramadan.
By Drew Nacino