Milyun-milyong mga Pilipino pa ang hindi nagpaparehistro para sa darating na halalan 2022.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon, mula sa 4-milyong mga bagong botante o humigit-kumulang 3.5-milyon lamang ang nagparehistro kung saan kinakailangang nasa 6-milyon o 7-milyon ang magparehistrong botante.
Habang nasa halos 300,000 lamang ang nagparehistro sa 7-milyong indibidwal na na na-deactivate matapos hindi bumoto noong nakaraang taon.
Sa datos ng national statistics, nasa 4-milyon ang nagla-labingwalong taong gulang (18 years old) sa ika-9 ng Mayo pero may 7-milyong hindi bumoto sa dalawang consecutive elections kaya nabura ang mga ito.
Hinimok naman ni Guanzon ang mga alkalde na iprayoridad ang mga election officers sa pagbabakuna upang maisagawa na ang barangay registration sa bawat lokal na pamahalaan.
Isa kasi aniya sa kinatatakutan ng publiko kaya hindi makapagparehistro ay ang takot na makakuha o mahawa sa nakakamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19).