Makararanas ng mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan at posibleng paminsan-minsa’y malakas na ulan ang mga lugar sa MIMAROPA, Bicol Region at Visayas ngayong araw.
Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ito’y dahil sa LPA o Low Pressure Area na namataan kaninanang 11:00 ng umaga limampung (50) kilometro sa katimugang bahagi ng San Jose, Occidental Mindoro.
Nakapaloob ang nasabing LPA sa ITCZ o Intertropical Convergence Zone.
Samantala, makararanas naman ng maulap na kalangitan at papulo-pulong pag-ulan ang iba pang bahagi ng bansa ngayong hapon hanggang gabi.