Inaalam na ng Police Regional Office 4B o MIMAROPA PNP kung sinu-sinong mga pulis at sibilyang nakasalamuha ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Debold Sinas.
Ito’y makaraang ipag-utos ni MIMAROPA PNP Director P/BGen. Pascual Muñoz Jr. ang masinsinang contact tracing makaraang magpositibo sa COVID-19 ang PNP chief.
Kasalukuyang naka-quarantine na rin si Muñoz matapos maging close contact ng PNP chief bilang pagsunod na rin sa umiiral na health protocols sa COVID-19.
Nakikipag-ugnayan din ang regional health service ng MIMAROPA PNP sa may-ari ng resort kung saan unang namalagi si Gen. Sinas at isinailalim na rin iyon sa disinfection.
Magugunitang nagtungo sa punong tanggapan ng PNP si sinas nuong Marso 11, ang araw kung kailan lumabas ang resulta ng kaniyang swab test na nagsasabing positibo siya sa virus.
Gayunman, nanindigan si Muñoz na sumunod ang lahat ng mga nasa loob ng kampo sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask, face shield, proper hygine at pagpapanatili ng physical distancing.