Posibleng ulanin ang Luzon partikular na ang MIMAROPA o Southwestern tagalog Region na binubuo ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, mataas ang tiyansa na ulanin ang kanlurang bahagi ng Luzon kasama na ang Bataan at Zambales.
Magiging mainit naman ang panahon sa umaga pero asahan na makakaranas parin ng pag-ulan sa nalalabing bahagi ng bansa kasama na dito ang buong Metro Manila lalo na sa hapon hanggang sa gabi dahil parin sa thunderstorms.
Asahan parin ang maulap na kalangitan partikular na sa Western at Central Visayas dahil parin sa Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Magkakaroon naman ng isolated rain showers at thunderstorm sa Eastern Visayas habang magiging maulap parin ang kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao habang isolated rain showers naman sa nalalabing bahagi ng Mindanao.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 31°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:42 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:19 ng hapon.