Inatasan ng DENR ang isang minahan sa Zambales na ihinto ang kanilang operasyon dahil sa paglabag nito sa batas pangkalikasan.
Sa bisa ng cease and desist order na nilagdaan ni Engineer Willam Cunado, Hepe Ng Environmental Mangement Bureau, pinahihinto nito ang operasyon ng Yinglong Steel Corp.
Ito ay matapos mabatid ng ahensya na iligal ang ginagawang pagmimina ng naturang kumpanya.
Anang ahensya, walang environmental compliance certificate at iba pang DENR requirements ang kumpanya na kailangan para makapag-operate.
Nagdulot naman ng pangamba sa mga environmentalist at residenteng nakatira malapit sa mining site ang nasa 88 ektaryang iligal na binubungkal na bulubundukin sa Candelaria, Zambales.
Hinikayat naman ng mga apektadong residente si Environment Secretary Maria Antonia Loyzaga na sampahan din ng kaso ang mga may-ari ng Yinglong, kabilang ang mga opisyales na kumukinsinti sa isinasagawang illegal mining operation. - sa panunulat ni Hannah Oledan