Ilulunsad na simula ngayong araw na ito ng Malacañang ang tinagurian nitong “Mindanao Hour”
Kasunod ito ng deklarasyon ng Martial Law ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mindanao.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na layon ng nasabing programa na mabigyan ng update ang publiko kaugnay sa sitwasyon sa Marawi City at maging sa iba pang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Abella, itinakda ang Mindanao hour tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-11:00 ng umaga.
Subalit tiniyak ni Abella na magbibigay din siya ng update sa mga kaganapan sa Marawi City sa kanyang press briefing tuwing Martes at Huwebes.
Uubra namang makakuha ng mga update sa radyo ng bayan tuwing weekends sa parehong oras katuwang si AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla.
By Judith Larino
‘Mindanao Hour’ ilulunsad simula ngayong araw was last modified: May 29th, 2017 by DWIZ 882