Maaaring tuluyang mawala sa Pilipinas ang Mindanao.
Ito ayon kay Presidential aspirant at Davao City Mayor Rodrigo Duterte kung hindi maitatag ang pederalismo.
Nanindigan si Duterte na hindi sagot ang Bangsamoro Basic Law (BBL) para solusyunan ang mga problema sa mindanao.
Sinabi ni Duterte na noon pa man ay kanya nang sinasabi na mahihirapang makapasa ang naturang panukala at posibleng maipasa pa sa susunod na administrasyon.
Binigyang diin ni Duterte na sa pamamagitan ng federal system na uri ng gobyerno, ang kapangyarihan ang mahahati-hati sa national o federal government at pamahalaan sa mga rehiyon.
Dapat din ayon kay Duterte na maka-usap ang iba’t ibang stakeholders gaya ng Moro Islamic Liberation Front, Moro National Liberation Front at iba pa.
By Ralph Obina