Nagpaliwanag ang Philippine National Police o PNP kung bakit nais nilang mapalawig ang Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, isa sa mabigat na rason ay dahil hindi pa nahuhuli ang mga narco-politicians na sumusuporta sa Maute group.
Maliban dito, sinabi ni Dela Rosa na laganap pa rin ang loose firearms sa Mindanao.
Nagpahayag ng pag-asa si Dela Rosa na mai-aanunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng Martial Law, bago ang kanyang SONA o State of the Nation Address sa Lunes, Hulyo 24.
Hulyo 13 nang pormal na isumite ng PNP sa Pangulo ang rekomendasyon nilang palawigin ang Martial Law.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa