May kalayaan ang Kongreso na bawiin ang inaprubahan nitong pagpapalawig ng Batas Militar sa Mindanao bago pa man magtapos ang taong ito.
Ito’y ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto ay sakaling makita nilang matatag na ang sitwasyon sa Mindanao at kung may mga valid reports ng pang-aabuso ng mga kawal ng pamahalaan.
Ginawa ni Sotto ang pahayag kasunod na rin ng pangamba ng mga kritiko ng administrasyon na lalong lumala ang mga pang-aabuso ng militar dahil sa ginawang pagpapalawig sa Martial Law sa rehiyon.
Giit ng Senador, malinaw ang mga safeguards ng 1987 Constitution kaya’t walang dapat ipag-alala ang publiko lalo na ang mga kritiko na mabibigyan pa ng puwang ang pang-aabuso sa pagpapatupad nito.
By Jaymark Dagala
Mindanao Martial Law maaaring bawiin kahit wala pa sa deadline was last modified: July 24th, 2017 by DWIZ 882