Sinimulan na ang oral arguments para sa mga petisyong kumukuwestyon sa pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao.
Alas-10:00 kaninang umaga nagsimula ang oras arguments kung saan unang nagbigay ng kanyang opening statement si Congressman Edcel Lagman.
Inaasahang tatagal hanggang sa Huwebes ang oral arguments na magbibigay ng oportunidad sa lahat ng panig na ilatag ang kanilang mga argumento pabor man o kontra sa petisyon.
Ang mga petisyong dinidinig ay inihain ng ilang kongresista mula sa oposisyon sa pangunguna ni Congressman Edcel Lagman, mga militanteng mambabatas at apat na babaeng residente ng Marawi City.
Pangunahing punto ng mga resolusyon ang anila’y kawalan ng basehan ng deklarasyon ng Martial Law na naaayon sa konstitusyon.
By Len Aguirre
Photo: SC-PIO