Tuloy-tuloy ang mga nararamdamang aftershocks matapos ang magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao noong Miyerkules, October 16.
Ayon sa PHIVOLCS, nasa magnitude 3.5 na lindol ang pinakahuling naitalang malakas na aftershocks, 13-kilometro timog-silangan ng bayan ng Tulunan sa Cotabato pasado alas-12 ng madaling araw.
Naitala ang Intensity II sa Kidapawan City at Instrumental Intensity I sa lungsod pa ring ito.
Nakapagtala ng hiwalay na magnitude 3 na lindol na natukoy sa 20-kilometro timog-silamgan ng Tulunan sa Cotabato pasado alas-dos kaninang madaling araw.
Magnitude 3 rin ang naitalang lindol sa 29-kilometro timog-silangan ng bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental.
Pawang tectonic din ang origin ng mga nasabing pagyanig.