Nakiusap sa Philippine National Police (PNP) si Senate President Koko Pimentel sa PNP na ipadala na lamang sa ibang lugar at huwag na sa Mindanao ang mga pasaway na pulis.
Sinabi ni Pimentel na mga tapat at disiplinadong pulis ang mga dapat ipadala sa Mindanao.
Ayon pa kay Pimentel, dapat kasuhan ang mga tiwaling pulis o ibalik sa police academy para sa kaukulang pag-aaral muli at maisailaim sa values orientation.
Ipinaabot lamang aniya niya ang sentimiyento at pangamba ng mga residente ng Mindanao dahil sa pagpapatapon doon ng mga tiwaling alagad ng batas.
By Judith Larino | Report from Cely Bueno (Patrol 19)