Wala na sa listahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Mindanao para pagdausan ng Balikatan exercises sa mga susunod na panahon.
Ito ang inihayag ni Balikatan 2019 Director Lt/Gen. Gilbert Gapay bunsod ng kaliwa’t kanang operasyon na ikinakasa ng mga puwersa ng militar at pulisya sa nasabing rehiyon.
Giit ni Gapay, ayaw nilang maistorbo anbg mga tropa na nakatutok para labanan ang mga terorista at mga komunistang grupo na naglipana sa Mindanao.
Marami naman aniyang mga lugar sa Luzon na maaaring pagdausan ng mga pagsasanay tulad ng amphibious landing at live fire exercises.
Magugunitang nitong Biyernes nang pormal na isara ng Pilipinas at Amerika ang kanilang pagsasanay kasama ang mga tropa ng Australia na ginawa dito sa bansa.