Ibinabala ng World Health Orgzanition (WHO) at ng Department of Health (DOH) ang posibleng ‘mini surge’ ng kaso ng COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).
Kasunod ito ng mababang vaccination turnout sa rehiyon kasabay ng pagsisimula ng Ramadan.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., 950K lamang ng 3.5M o 25% ng populasyon sa BARMM ang fully vaccinated kontra COVID-19.
Sanhi ito kaya kulelat ang barmm sa labing-pitong rehiyon sa bansa sa pagbabakuna.
Ilan sa mga problemang kinaharap ng barmm kaya mababa ang antas ng pagbabakuna ay ang; misinformation, walang access sa social media at isyu sa transportasyon. – sa panulat ni Abby Malanday