Malabo pang mapagbigyan ang petisyon ng iba’t ibang transport groups na ibalik sa P8.50 ang minimum na pasahe sa jeepney.
Sa harap ito ng sunod-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez dahil sa sunod sunod na rollback, halos umabot na ang presyo ng diesel at gasolina sa lebel nang magbawas sila ng P1 sa minimum na pasahe.
“Ito na po ‘yung pang-lima na sunud-sunod na pag-rollback at ito ay sinusundan po namin, pinag-aaralan po namin, kung ‘yan naman ay magpapatuloy pa sa mga susunod na mga linggo o mga buwan ay maapektuhan po kung ano ang magiging desisyon namin.” Ani Ginez.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit