Pinatitiyak ng Joint Task Force COVID-19 Shield sa mga police commander na masusunood pa rin ang mininum health and safety protocols sa panahon ng voter’s registration period.
Ito’y upang patuloy na mapaalalahanan ang publiko na hindi pa rin normal ang sitwasyon at nananatiling nariyan ang peligrong dulot ng COVID-19 sa mga panahong ito.
Partikular na riyan ang pagsita sa mga hindi nakasuot ng facemask, faceshield, social distancing, proper sanitation at hygiene.
Ayon kay Task Force COVID-19 Shield Commander P/Ltg. Guillermo Eleazar, nakikipag-ugnayan na ang mga police commander sa Commission on Elections upang matiyak na organisado at ligtas ang pagpaparehistro sa kanilang nasasakupan.
Samantala, sinabi naman ni Eleazar, na hindi nila hinihikayat ang mga minor de edad at senior citizens na magtungo pa sa Comelec offices para magpa-register ngayong panahon na ito dahil mataas pa ang banta ng COVID-19.
Una nang inanusyo ng Comelec na tatagal ang voter’s registration period hanggang September 2021.