All systems go na ang gagawing pagbabantay ng Manila Police District (MPD) kasabay ng pagdiriwang ng pista ng Senyor Sto. Niño ngayong weekend.
Ayon kay MPD Director P/Bgen. Leo Francisco, mahigpit nilang pagbabawalang pumasok sa mga simbahan ng Tondo at Pandacan sa Maynila ang mga batang may edad 15 pababa.
Gayundin ang mga nakatatanda o senior citizen na may edad 65 pataas upang makaiwas sa hawaan ng COVID-19 sa kasagsagan ng pagdiriwang.
Iginiit ni Francisco, na mahigpit ang gagawin nilang bag inspection at paglalatag ng checkpoint sa mga strategic na lugar upang tiyaking nasusunod ang minimum health protocols.