Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng Manila Police District (MPD) sa mga simbahan ng Tondo at Pandacan sa lungsod kaanlinsabay ng pagdiriwang ng pista ng Senyor Sto. Niño.
Ayon kay MPD Director P/Bgen. Leo Francisco, hindi nila pinapayagang makapasok sa simbahan ang mga kabataang may edad 15 pababa gayundin ang mga nakatatandang nasa edad 65 pataas.
Giit ni Francisco, bahagi iyon ng tagubilin mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa kasagsagan ng okasyon lalo’t may banta rin ng bagong variant nito.
Dagdag pa ng heneral, mahigpit din ang pagpapatupad nila ng ‘no facemask, no faceshield, no entry policy’ papasok sa mga simbahan kaya’t namamahagi rin sila sa mga deboto na wala nito.
Alas kuwatro pa lamang kanina nagsimula ang misa sa mga simbahan ng Tondo at Pandacan na magtutuloy-tuloy pa hanggang mamayang gabi upang maiwasang mapuno ito at maging dahilan upang hindi masunod ang physical distancing.
IN PHOTOS: Situation in Tondo, Manila this morning amid the scaled-down celebration of the Feast of the Sto. Niño in…
Posted by Manila Public Information Office on Saturday, 16 January 2021