Itinaas ng Hong Kong Labour Department ang minimum na bayad para sa mga dayuhang domestic workers.
Nabatid na 2.3% ang itinaas sa suweldo at 1.5% naman sa food allowance ng foreign domestic workers.
Dahil ditto, ipinabatid ni Vice Consul Fatima Guzman-Quintin na pumapalo sa 4,410 hongkong dollars ang minimum na suweldo ng dayuhang domestic workers at mahigit 1,000 Hong Kong dollars bilang food allowance.
Si Quintin ay dumalo sa pulong ng labour department kasama ang mga kinatawan ng consulates general ng labor sending countries sa Hong Kong.
Winelcome ng DFA o Department of Foreign Affairs ang nasabing dagdag suweldo dahil makikinabang dito ang halos 200,000 Pinoy domestic workers sa Hong Kong.
Tiniyak ng DFA ang pakikipag-tulungan sa Hong Kong government at iba pang grupo para ma protektahan ang karapatan at matiyak ang katayuan ng mga OFW o Overseas of Filipino Worker sa nasabing bansa.