Iminungkahi ng jeepney drivers sa Iloilo City na taasan ang minimum na pasahe ng P2.50 para mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina at mga protocol laban sa COVID-19.
Ayon sa Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Operators and Drivers Association ICLAJODA President Raymundo Parcon, nagsumite na ang grupo ng petisyon sa Land Transportation Office- Region 6.
Mula sa P9 tataas sa P11.50 ang pasahe sa unang apat na kilometro habang karagdagang P1.5 sentimo sa mga susunod na kilometro. – sa panulat ni Airiam Sancho