Iginiit ni house committee on Appropriations Chairperson at Ako Bicol Party-List Rep. Elizaldy Co ang kahalagahan na matulungan din ng pamahalaan ang mga minimum wage earners sa gitna ng tumataas na presyo ng bilihin.
Ayon kay Cong. Co, nagrereklamo na rin ang mga minimum-wage earner gaya ng food chain service crew, grab drivers at maging mga nasa pribadong sektor dahil ang tinutulungan lamang aniya ng gobyerno ay ang mga walang trabaho o pinakamahihirap na pamilya.
Dahil dito, binuo ng mga mababatas ang ayuda para sa kapos ang kita program o akap program na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development at pinaglaanan ng pondo ng kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez. – Sa panulat ni Jeraline Doinog