Nadagdagan ng 18 Piso ang suweldo ng minimum wage earners sa SOCCSKSARGEN Region.
Kasunod na rin ito nang pag apruba ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa nasabing dagdag sahod sa mga nasa sektor ng agrikultura, retail at services.
Dahil dito pumapalo na sa 290 Pesos ang minimum na sahod sa naturang rehiyon.
Samantala sa non-agricultural sector dinagdagan ng 16 Pesos ang minimum wage n a 295 kayat 311 Pesos na ang suweldo ng minimum wage earners sa rehiyong ito.
U ubra namang maghain ng exemption ang mga kumpanyang hindi kayang ipatupad ang bagong minimum wage.
Magiging epektibo ang bagong sahod 15 araw matapos itong mailathala sa mga pahayagan