Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kasado na ang 33 pesos minimum wage increase sa Metro Manila simula sa Hunyo a-tres.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay matapos aprubahan ng National Wages Productivity Commission ang rekomendasyon na nagtataas ng 33 pesos na dagdag sweldo bawat araw para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).
Mababatid na simula sa susunod na buwan, ay magiging 570 pesos na ang minimum wage para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector, habang 533 pesos naman para sa sektor ng agrikultural.
Samantala, kung mailalathala ang wage order para sa Western Visayas bukas, Mayo 19, magiging epektibo rin ang dagdag-sweldo ng mga manggagawa sa nasabing rehiyon kasabay sa NCR.